Halimbawa at kahulugan ng matalinghagang salita?

Sagot :

Mga Matalinghagang Salita at Kahulugan Nito

Ang mga matalinghagang salita ay mga pahayag na may malalim na kahulugan. Ang kahulugan nito ay hindi literal o hindi tiyak na kahulugan ng mga salita. Narito ang ilang halimbawa at kahulugan ng mga ito:

  • balitang kutsero - hindi totoo
  • bugtong na anak - kaisa isang anak
  • ilista sa tubig - kalimutan na
  • lakad-pagong - mabagal
  • agaw-buhay - malapit ng mamatay
  • luha ng buwaya - hindi totoong pag-iyak
  • ahas-bahay - hindi mabuting kasambahay
  • anak-dalita - mahirap lamang
  • basa ang papel - sira na ang imahe
  • kumukulo ang dugo - naiinis o naaasar
  • butas ang bulsa - walang pera
  • hawak sa ilong - sunud-sunuran
  • naniningalang pugad - nanliligaw
  • kautotang dila - kakwentuhan
  • itim na tupa - suwail na anak
  • matigas pa sa riles - kuripot
  • mang-oonse - madaya

Para sa iba pang halimbawa ng matalinghagang salita, alamin sa link:

brainly.ph/question/2522434

#BetterWithBrainly