Sagot :
Matalinghagang Salita
Ang matalinghagang salita ay nilalarawan bilang mga malalalim na mga saltang mayroong mas simpleng kahulugan. Pero yamang ngayon pinasisimple ang mga salita na madaliang maunawaan, karamihan sa mga matalinghagang salita ay nawawala na.
Narito ang ilang matalingahang salita na maaaring nagagamit pa din ngayon:
- agaw-buhay - naghihingalo
- ahas-bahay - masamang kasambahay
- alilang-kanin - utusang walang sweldo, pagkain lang
- alimuom - tsismis
- anak-dalita - mahirap
- anak-pawis - magsasaka
- bahag ang buntot - duwag
- balat sibuyas -iyakin, sensitibo
- balat-kalabaw - makapal, di agad tinatablan ng hiya
- balat-sibuyas - manipis, maramdamin
- balik-harap - mabuti sa harapan, taksil sa likuran
- balitang kutsero - hindi totoong balita
- balitang kutsero -balitang totoo
- bantay-salakay - taong nagbabait-baitan
- basa ang papel - sira ang imahe
- basag ang pula - luku-luko
- bukang-liwayway - mag-uumaga ; madalingaraw
- bukas ang palad - matulungin
- butas ang bulsa - walang pera
- butas ang bulsa - walang pera o mahirap
- buto't balat - sobrang payat
- buwayang lubod - taksil
- dalawa ang bibig - mabunganga o madaldal, hindi mapigilan ang pagsasalita
- di makabasag pinggan -mahinhin
- halang ang bituka - salbahe, desperado, hindi natatakot na pumatay
- halos liparin - nagmamadali
- hawak sa ilong - sunudsunuran
- hitik na hitik - marami
- humahalik sa yapak - humahanga ; iniidolo
- ibaon sa hukay - kalimutan
- ikrus sa noo - tandaan
- ilaw ng tahanan - ina
- isang tuka isang kahig - mahirap
- kaibigang karnal - matalik na kaibigan
- kalog na ng baba - nilalamig
- kapilas ng buhay - asawa
- kidlat sa bilis - napakabilis
- kisap mata - iglap ; mabilis
- kumukulo ang tiyan - nagugutom
- kusang palo - sariling sipag
- likaw na bituka - kaliit-liitang lihim
- mabigat ang kamay - tamad magtrabaho
- mabilis ang kamay - mandurukot
- magaan ang kamay - madaling manuntok, manapok, manakit
- mahapdi ang bituka - nagugutom
- makapal ang bulsa - maraming pera o mayaman
- malikot ang kamay - kumukuha ng hindi kanya
- mapaglubid ng buhangin - sinungaling
- matigas ang buto -malakas
- may sinasabi - mayaman; may ipagmamalaki
Ginagamit ang matalinghagang salita sa ilang literature gaya ng sa:
- tula
- nobela
- sanaysay
Marami pang matalinghagang salita. Narito pa ang ilan:
Basahin ang ibig sabihin ng basang-sisiw sa https://brainly.ph/question/74247.
Basahin ang ibig sabihin ng ngiting-aso sa https://brainly.ph/question/240024.
Basahin ang ibig sabihin ng basag ang pula sa https://brainly.ph/question/244730.