Ang Pangngalan ay tumutukoy at nangangahulugan ng pangalan ng hayop, tao, bagay, gamit, lugar o pook, pangyayari, at iba pa. Ang Pangngalan ay nahahati sa tatlong kaukulan. Ang mga kaukulang ito ay ang kaukulan ng Palagyo, kaukulan ng Palayon, at kaukulan ng Paari. Ginagamit ito upang madaling malaman ang detalye ng mga pangngalan at kung para saan at kanino ito.