ano ang ibig sabihin ng dustain?...

Sagot :

Kahulugan ng Dustain  

Ang salitang dustain ay binubuo ng unlaping in- at salitang ugat na dusta. Ang kahulugan ng dustain ay ang sumusunod:

  • Pahirapan
  • Hamakin
  • Maliitin

Sa Ingles, ito ay "mocking o insulting".

Mga Halimbawang Pangungusap Gamit ang Salitang "Dustain"

  1. Labis akong nalungkot nang dustain ako ng aking mga kamag-anak.
  2. Kapag nakakaaranas ako ng pandudusta, lumalakas ang aking loob.
  3. Narinig ko ang masasakit na salita na dumudusta sa mga kasambahay.
  4. Umaasa ako na mawawala ang pandudusta sa lipunan at magkakaroon na ng pagkakapantay-pantay.
  5. Ipinagtanggol ako ng aking ama matapos akong dustain ng mga dati kong kaibigan.

Para sa iba pang kahulugan ng salitang dustain, alamin sa link:

Dustain ng pangungusap https://brainly.ph/question/2117866

Kasalungat ng dustain https://brainly.ph/question/1538147

Ano ang ibig sabihin ng dustain? https://brainly.ph/question/293828

#BetterWithBrainly