Sagot :
Mga 10 Halimbawa ng Pang-abay na Panlunan
Ang pang-abay na panlunan ay isa lamang sa mga 9 na uri ng pang-abay. Ang pang-abay o adverb sa wikang Ingles ay tumutukoy sa bahagi ng pananalita na nagbibigay katuringan o naglalarawan sa pang-uri, pandiwa, o maging sa kapwa nito pang-abay.
Pang-abay na Panlunan
-ang pang-abay na panlunan ay tumutukoy sa lugar o pook na pinangyarihan ng kaganapan, kilos, aksyon o pangyayari. Sumasagot ito sa tanong na saan.
Mga Halimbawa ng Pang-abay na Panlunan
- Nagtungo ang mga magnanakaw sa isang lumang gusali bago pinaghatian ang mga nakulimbat na mga mamahaling alahas.
- Tumawag muna sa pulis si Aling Mina bago pinuntahan ang bahay ng isang kriminal na kumidnap sa kanyang anak.
- Nagtungo ako sa simbahan at nagdasal ng buong araw na sana'y patigilin na ng Diyos ang mga kalamidad sa bansa.
- Buong pagmamahal na niyakap ng ina ang anak nang makita niya itong buhay palabas sa nasunog na paaralan.
- Dahil marami ang nawalan ng trabaho, kadalasang sa bahay ang tambayan ng karamihan dahil bawal na ring lumabas.
- Nahulog ang sasakyan sa bangin dahil masyadong madulas ang kalsada at maulap dulot ng paparating na bagyo.
- Sa kusina ang tambayan ni Dagul ng buong linggo dahil wala na ngang pasok, bawal na rin ang lumabas.
- Rumesponde ang mga doctor sa hospital na pinagdalhan ng mga maraming pasyente.
- Nakahiga siya sa kama ng mahigit sampung oras dahil wala na siyang gagawin at tinatamad na siya.
- Wala ng katao-tao sa mga grocery store dahil ubos na ang mga paninda.
Mababasa ang Pang abay na pamanahon at panlunan halimbawa sa link na ito https://brainly.ph/question/2552404
Halimbawa ng pang abay na panlunan https://brainly.ph/question/1941589
Ano ang pang-abay na panlunan https://brainly.ph/question/170458
#LearnWithBrainly