Ang Filipino First Policy o Pilipino Muna sa wikang Filipino ay tumutukoy sa polisiyang unang ipinakilala at ipinatupad ng dating pangulo ng Pilipinas na si Carlos Garcia. Sa ilalim ng polisiyang ito ay nagbibigay kahalagahan sa mga negosyanteng Pilipino na sila ang unahin kompara sa negosyo ng mga dayuhan, gayundin ang pagtangkilik ng mga produktong lokal na gawa dito sa bansa. Sa pamamagitan ng polisiyang ito mas napapabilis ang pag-unlad at pagyabong ng pamumuhay ng mga mamamayan sa bansa sapagkat mas natatangkilik ang mga produkto at negosyo sa Pilipinas. Ang ilang bahagi ng polisiyang ito ay mababasa rin sa ipinasang Konsitusyon ng bansa noong 1987.
#LetsStudy
Mga halimbawang nakapaloob sa Filipino First Policy:
https://brainly.ph/question/2042295
Pagkakakilanlan ni Carlos Garcia:
https://brainly.ph/question/2547779