Sagot :
Ano ang kahulugan ng mahahango?
Ang mahahango ay mula sa salitang ugat na hango na ang ibig sabihin ay kuhain mula sa malalim na pinaglalagyan o pagkakasadlak.
Mga pangungusap gamit ang salitang mahahango
- Ang mga nahangong kamote sa kaldero ay kinakailangang mabenta agad upang hindi lumamig.
- Ang mga mahahango mo sa lumang baol ni lola Selda ay iyong pakaingatan sapagkat ito ang magsisilbing alaala niya sayo.
- Hinango ni Jobert ang mga libro sa isang malaking kahon upang ilagay sa silid-aklatan.
- Mahahango ni Lolita ang kanyang mga lumang damit upang ibigay sa mas nangangailangan.
- Tumulong si Maya sa paghahango ng mais upang ibenta sa palengke.
- Ang paghahango ng gamit ni Marta ay umabot sa apat na oras dahil sa dami ng kanyang tambak.
- Hinango ng mga mag-aaral ang kanilang nilabong itlog para balatan at gawing sahog sa sopas.
Maikling Kwento tungkol sa paghahango
Nena
Maagang nagising si Nena upang hanguin ang mga damit na hindi na niya ginagamit. Nais niyang ibigay ang mga ito sa nangangailangan; nakakuha siya ng damit, pantalon, at sapatos. Inilagay niya ito sa isang lalagyan at maya maya nga ay nagtungo sa bahay-ampunan upang ipamigay.
Tuwang-tuwang naghango ang mga bata at kanya kanyang nagsukat. Kitang kita ni Nena ang tuwa sa mga labi nito kaya ipinangako niya na tuwing may pagkakataon ay dadalaw muli siya dito.
Lubhang nakatataba ng puso ang pagtulong sa kapwa mahinang sambit ni Nena papalayo ng ampunan.
Maaring magtungo sa link na nasa ibababa para sa pagpapatalas ng bokabularyo:
https://brainly.ph/question/287242
https://brainly.ph/question/2392738
https://brainly.ph/question/2335679
#LearnWithBrainly