magbigay ng sampung halimbawa ng pang uri


Sagot :

10 halimbawa ng Pang uri:

  1. Matalino
  2. Mayabang  
  3. Puti
  4. Kayumanggi
  5. Masipag  
  6. Madilim  
  7. Makulit
  8. Tahimik
  9. Masungit
  10. Malakas

Ang sampung halimbawa ng pangungusap at halimbawa nito sa pangungusap

  1. Matalino  Halimbawa: Ang batang si Elsa ay matalino kaya kinagigiliwan siya ng lahat.    
  2. Puti   Halimbawa: Puti ang kanyang sapatos.
  3. Kayumanggi  Halimbawa: Kayumanggi ang kulay ng balat nating mga Pilipino.
  4. Masipag   Halimbawa: Ang aking ama ay masipag kaya kami ay umunlad.
  5. Madilim    Halimbawa: Madilim sa daan kaya kami ay naligaw.
  6. Makulit  Halimbawa: Ang batang makulit ay si Kyle.
  7. Tahimik   Halimbawa: Tahimik ang lugar na aming napuntahan.
  8. Masungit   Halimbawa: Masungit ang tindera sa palengke.
  9. Malakas   Halimbawa: Malakas ang ulan ng kami ay umalis.
  10. Mayabang   Halimbawa: Ang taong mayabang ay kinaiinisan ng marami.

Pang uri - ay ang mga salitang ginagamit upang maglarawan sa tao,bagay,hayop,at pook o lugar.  

i-click ang link para sa dagdag kaalaman brainly.ph/question/108551

May tatlong kailanan ang pang uri  

  • Iasahan  

       Halimbawa: May isang bahay na napakaganda.

  • Dalawahan    

        Halimbawa: Ang dalawang bata ay nag uunahan sa   pagtakbo.

  • Maramihan    

        Halimbawa: Tayong lahat ay anak ng diyos.

Mayroon tayong tatlong Uri ng Pang-uri

  1. Panlarawan - ito ay tumutukoy sa Hugis,kulay, katangian o pisikal na kaanyuan
  2. Pamilang - ito ay tumutukoy sa bilang o dami ng pangalan.
  3. Pantangi - ito ay nagsisimula sa malaking titik at binubuo ng pangngalang pambalana at isang pangngalang pangtangi,ito ay tumutukoy at naglalarawan sa sa uri ng pangangalang pambalana. (Paborito kung kaininin sa almusal ang longganisang Lucban.)

Buksan para sa karagdagang kaalaman:

brainly.ph/question/1857553

Kaantasan ng Pang-uri  

  1. Lantay - ito ang kaantasan ng pang uri na naglalarawan sa isang pangngalan o panghalip. Halalimbawa: ( Si Ella ay maganda.)
  2. Pahambing - pinaghahambing nito ang dalawa o higit pang pangngalan o panghalip. Magkatulad at di magkatulad Halimbawa:  ( Mas magaling magtalumpati si Tony kesa kay Jun.) (Magsinganda ang magkaibigan sina Girly at Danella.)
  3. Pasukdol -tumutukoy kung naglalarawan ng higit sa dalawang bagay. Halimbawa:  (Walang kasing galing ang kanilang grupo sa pagsayaw.)

Buksan para sa karagdagang kaalaman brainly.ph/question/940151