Sagot :
Kahulugan ng naririmarim
Ang salitang naririmarim ay tumutukoy sa isang bagay o pangyayari na hindi kanais-nais. Ito ay mula sa salitang ugat na rimarim na kasingkahulugan ng salitang diri.
Ang salitang ito ay nagbibigay ng malinaw na pahayag sa pag-ayaw o paghindi sa isang bagay o sitwasyon dahil sa hinihinging pamantayan ng nagsasalita.
Mga pangungusap gamit ang salitang naririmarim
- Naririmarim si Hilda sa dumi ng kaniyang kusina kaya dali dali siyang naglinis.
- Lubhang nakakarimarim ang pangyayaring naganap na bungguan ng sasakyan.
- Nais ni Myrna na gumamit ng pampublikong palikuran subalit papalapit pa lamang ito ay nakakarimarim na ang amoy nito kaya minarapat nito na magtiis na lamang hanggang makauwi ng bahay nila.
- Ang amoy ng mga bata sa lansangan ay lubhang nakakarimarim.
- Ang lakas ng ulan ay nakapagdulot ng pag-awas ng mga kanal sa kalsada kaya’t nakakarimarim na maglakad dito.
- Ang mga nagkalat na kaning-baboy sa kalsada ay nakakarimarim sa paningin.
- Ang boses ni Krizza ay nakakarimarim sapagkat ito ay parang ingay ng lata sa tinis.
- Nakakarimarim matulog sa silid ni Marta sapagkat halos dalawang buwan na niyang hindi pinapalitan ang mga punda at kumot niya.
- Ang ingay ng mga tao sa kanto ay lubhang nakakarimarim sa pandinig.
- Kahit nakakarimarim ang ugali ni Toto ay pilit pa din nagtitiyaga ang guro nito upang tuluyang itong matuto.
- Nakakarimarim ang amoy ng pabango ng matandang dumaan sa harapan ng bahay ni Lily.
Para sa karagdagang impormasyon maaring magtungo sa link na nasa ibaba:
https://brainly.ph/question/766376
https://brainly.ph/question/1632201
https://brainly.ph/question/1960743
#LearnWithBrainly