BALIKAN
Gawain 2: Aking Kaibahan!
Panuto: Pag-aralang mabuti ang dalawang larawan. Paghambingin ang
gagawin ng dalawang nilikha sa isang sitwasyon. Sa isang malinis na papel,
isulat ang magiging kasagutan sa mga tanong
BANAL
UMINI
BAWAL
UMINI
DITO
DITO
Ano kaya ang gagawin ng lalaki
sa larawan pagkabasa sa
paalala?
Ano naman kaya ang tugon ng aso
sa paalalang ito?
Pamprosesong Tanong:
1. Ano ang pagkakaiba ng pagtugon ng lalaki at ng aso sa paalala? Bakit?
2. Ano ang taglay ng tao upang maunawaan at sundin niya ang paalalang
ito?
3. Ano ang palatandaan na ang tao ay may isip?
4. Ano ang palatandaan na ang tao ay may kilos-loob?
5. Kung susuwayin ng tao ang paalalang ito, natatangi pa rin ba siya?
Patunayan.