Ano ang mga halimbawa ng pang-angkop? Please give 5 examples :)

Sagot :

Ang Pang-angkop (Ligatures)
Pang-angkop -  ay mga katagang idinudugtong sa pagitan ng dalawang salita upang maging kaaya-aya ang pagbigkas ng mga ito at magkaroon ng ugnayang panggramatika. Ito ay  maaaring matagpuan sa pagitan ng pang-uri at pangngalan. Ang pang-angkop ay ang mga katagang na, ng at g.
Tatlong pang-angkop sa pag-uugnay ng mga salita
1. Pang-angkop  na -NA – Ito ay nag-uugnay ng dalawang salita na kung saan ang naunang salita ay nagtatapos sa mga katinig (consonant)  maliban sa titik n. Isinusulat ito nang kahiwalay sa mga salitang pinag-uugnay.Halimbawa:1. malalim – bangin  =  malalim na bangin2. mataas – tao = mataas na tao3. feel – feel = feel na feel4. yamot – yamot  = yamot na yamot5. tulay – bato = tulay na bato

2. Pang-angkop  na -NG – Ito ay isinusulat karugtong ng mga salitang nagtatapos sa mga patinig (vowel). [a, e, i, o u].Halimbawa:1. malaya – isipan = malayang isipan2. malaki – bahay = malaking bahay3. buo – buo = buong-buo4. madamo – hardin = madamong hardin5. sombrero – pandan = sumbrerong pandan

3. Pang-angkop na -G – ginagamit kung ang salitang durogtungan ay nagtatapos sa katinig na nHalimbawa:1. aliwan – pambata = aliwang pambata2. balon – malalim = balong malalim3. pamayanan – nagkakaisa = pamayanang nagkakaisa4. pamilihan – bayan = pamilihang bayan
5. institusyon – pangmental = institusyong pangmental