bakit mahalaga ang katangiang pisikal sap pag-unlad ng isang bansa?

Sagot :

Kahalagahan ng pisikal na katangian ng bansa sa pag unlad nito

Answer:

Ang pisikal na katangian ng bansa ay mahalaga sa pagtamasa ng pag unlad nito dahil ito ang nagsisilbing gabay sa mga kabuhayan o produkto na maaaring ibenta o iangkat ng isang bansa. Halimbawa, kung ang bansa ay napaliligiran ng tubig, panghuhuli ng lamang dagat ang kanilang magiging pangunahing kabuhayan at ito rin ang produkto na siyang magiging susi upang umunlad ang antas ng kanilang ekonomiya.

Sa bansang Pilipinas, mahalaga ang mga bulubundukin at dalampasigan sapagkat ang pangunahing produkto ng bansa ay nagmumula sa agrikultura. Kung mapapangalagaan natin ang mga pisikan na katangian na ito ng bansa, mas mapabibilis ang pagkamit natin ng kaunlaran.