Pagtutulad, Pagwawangis, Pagsasatao
1. Pagtutulad o Simili Ito ay di tiyak o di direktang paghahalintulad ng dalawang magkaibang tao, bagay, hayop, o pangyayari. Maaring ito ay pantay o di-pantay. Ang pantay ay ginagamitan ng mga salitang: tulad ng, paris ng, kawangis ng, tila, sing-, sim- , magkasing-, magkasim-, at iba pa. Ang di- pantay ay ginagamitan ng mas___kaysa, mas___kumpara kay, higit pa sa, at iba pa. Ito ay tinatawag na Simile sa Ingles.
2. Mga halimbawa Tila parang isang rosas ang ganda niya. Ang pag-ibig mo ay parang lobong may butas, paliit ng paliit habang dumadaan ang panahon. Si Kiko ay higit na mahusay kumpara kay Huseng Sisiw. Siyay parang isang leon habang nakikipagtunggali sa mga kawal ng mga Espanol.
3. Pagwawangis o Metapora Katulad ng pagtutulad ngunit ang pagkakaiba ay hindi na ginagamit ang mga salitang tulad, parang at iba pa Ito ay tiyak na paghahambing ng dalawang magkaibang