Sagot :
Ang Pitong Kulay ng Ibong Adarna
Ang Ibong Adarna ay isinulat ni Jose dela Cruz. Ito ay tungkol sa buhay na pinagdaanan ng tatlong prinsipeng magkakapatid sa paghahanap sa Ibong Adarna upang mailigtas ang buhay ng kanilang ama. Ang ibong ito ay may pitong kulay at ang mga ito ay ang sumusunod:
- Perlas
- Kiyas
- Esmaltado
- Dyamante
- Tinumbaga
- Kristal
- Karbungko
Apat na Bahagi ng Ibong Adarna
Ang Ibong Adarna ay isang korido. Ito ay tumatalakay sa kababalaghan, kabayanihan at pag-ibig. Ang kwento nito ay umiikot sa isang ibon na may kapangyarihang magpagaling ng anumang karamdaman sa sandaling umawit ito. Ito ay binubuo ng apat na bahagi.
- Unang Bahagi - Ito ang paghahanap ng tatlong prinsipe na anak nina Haring Fernando at Reyna Valeriana ng Berbanya sa Ibong Adarna upang gumaling ang hari.
- Ikalawang Bahagi - Ito ang pakikipagsapalaran ni Don Juan sa kaharian ng Armenya. Dito nakilala ni Don Juan sina Donya Juana at Donya Leonora. Ipinakita sa bahaging ito ang pagtataksil nina Don Pedro at Don Diego kay Don Juan.
- Ikatlong Bahagi - Ito ang pagliligtas ng lobo kay Don Juan ayon sa habilin ni Donya Leonora. Patuloy din na nakipagsapalaran si Don Juan at nakilala si Donya Maria.
- Ikaapat na Bahagi - Ito ang pagbabalik ni Don Juan sa kaharian ng Berbanya kasama ang Ibong Adarna. Umawit ito at napagaling si Haring Fernando.
Buod at Talasalitaan ng Ibong Adarna:
https://brainly.ph/question/1304049
#LearnWithBrainly