Ano ang mga dahilan ng bansang England sa pagsakop sa China?

Sagot :

Matagal nang hinahangad ng mga Kanluranin na masakop ang China. Nagsimula ang pananakop ng mga Kanluranin sa China dahil sa tinutulan ng Emperador na ipasok sa bansa ang opyo na produkto ng bansang England. Ang opyo ay isang halamang gamot na kapag inabuso ay nagdudulot ng masamang epekto sa kalusugan. Dahil din sa opyo, nabaligtad ang sitwasyon ng mga British at mga Tsino. Ito ay dahil mas marami na ngayon ang produktong inaangkat ng mga Tsino mula sa mga British kaysa inaangkat ng mga British mula sa China. Sinamantala ito ng England, at kahit ipinagbabawal, patuloy pa rin na nagpasok ng opyo ang mga British sa mga daungan ng China. Ito ang naging dahilan ng mga Digmaang Opyo na naganap sa pagitan ng China at England. hangad ng mga Kanluranin na maangkin ang yaman ng China ang pangunahing dahilan ng imperyalismo sa bansa.