Sagot :
Answer:
"MANORO ” (Ang Guro)
Si Jonalyn Ablong na siya mismong gumanap sa Dokumentaryong Pampelikula
Ayon sa ulat, tinatayang halos anim na milyong Pilipino ang may suliranin ng “kamangmangan” o yaong illiterate. Karamihan sa kanila ay mga katutubo na tila nakalimutan na yata ng pamahalaan. Tandaan, sila ang isa sa mga unang nagpasimula ng ating kabihasnan at kung anong klase at pamamaraan ng pamumuhay mayroon tayo ngayon. Tunay ngang ito ay isang realisasyon at pagkamulat para sa ating lahat. Hunyo taong 1991, isang malaking trahedya ang naganap sa Pilipinas, ang pagsabog ng matagal nang nananahimik na Bulkang Pinatubo sa bahagi ng Zambales at Pampanga, gumimbal ang pangyayaring ito sa buong daigdig dahil maging ang klima ng daigdig at ilan sa mga bansa nito ay naapektuhan. Ang mga katutubong Aeta ay napilitang bumaba ng mga kabundukan at nanirahan sa mga patag na lugar malapit sa kabayanan, kaya naman ito rin ang naging daan upang mabigyan sila ng pagkakataong makapag-aral sa mga paaralan na malapit rito.
Answer:
ang kwento manoro ay tungkol sa isang babae aeta na si jonalyn ablong