Gumigitaw – mula sa salitang ugat na gitaw na ang ibig sabihin ay silang, sulpot o litaw. Ang gumigitaw ay nangangahulugang sumusulpot, lumalabas o lumilitaw.
Ang salitang ito ay mababasa sa mga panitikan, kabilang na sa akdang nobela ni Rizal,
“Ang larawang gumigitaw sa kamalayan niya’y ang nakahambal na anyo ng isang taong nakapiit sa isang madilim at nakaririmarim na selda, nakaratay sa banig ng kamatayan…” – Noli Me Tangere