Sagot :
Answer:
Ika-10 ng Desyembre 1948
(December 10, 1948)
Explanation:
Ang Pandaigdig na Pagpapahayag ng mga Karapatan ng Tao (Ingles: Universal Declaration of Human Rights o UDHR) ay isang makasaysayang dokumento na pinagtibay ng Pangkalahatang Kapulungan ng mga Nagkakaisang Bansa sa kanyang ikatlong pulong noong 10 Disyembre 1948 bilang Resolusyon 217 sa Palais de Chaillot sa Paris, Pransya. Sa 58 miyembro ng mga Nagkakaisang Bansa noon, 48 ang bumuto nang pabor, walang kumontra, walo ang di-lumahok, dalawa ang hindi bumoto.
Binubuo ang Pahayag ng 30 artikulo na nagpapatibay ng mga karapatan ng indibiduwal na kahit hindi legal na mabisa mismo, ay pinainam sa mga kasunod na pandaigdigang kasunduan, ekonomikang paglilipat, instrumento ng panrehiyong karapatang pantao, pambansang saligang batas, at iba pang mga batas. Ang Pahayag ang naging unang hakbang sa proseso ng pagbubuo ng Pandaigdigang Panukalang Batas ng Karapatang Pantao na nakumpleto noong 1966, at nagkabisa noong 1976, matapos maipatibay ang mga ito ng mga sapat na bansa.
Ipinangangatuwiran ng iilang iskolar-legal na dahil palaging nananawagan ang Pahayag ng mga bansa nang mahigit sa 50 taon, nagkabisa ito bilang bahagi ng nakaugaliang pandaigdigang batas.
Gayunman, sa Estados Unidos, hininuha ng Kataas-taasang Hukuman ng Estados Unidos sa Sosa v. Alvarez-Machain (2004) na ang Pahayag "ay hindi nagpapataw ng obligasyon bilang bagay ng pandaigdigang batas."Hininuha rin ng mga korte ng ibang bansa na hindi bahagi mismo ang Pahayag sa lokal na batas.
#GOODLUCKco-Army
Answer:
siguro mga 1945 pagkatapos ng ww2
please check lang po kung tama ..di
ko po sure