L. Panuto: Sa lahat ng pagkakataon, kailangan ng pagsusuri hao kumilos.Piliin ang mga sitwasyon na nagpapahayag ng pagtulong sa kapuwa. . 1. Si Mark ay nasalanta ng bagyong nagdaan na si Rolly, wala silang naisalbang gamit. Ano ang maaari mong gagawin? a Tatawanan ko siya sapagkat wala siyang gamit. b. Hindi ko siya papansinin. c. Bibigyan ko siya ng mga damit at pagkain. d. Sasabihin kong mamalimos siya. 2. Natapos na ang inyong klase at sinabihan kayo ng inyong guro na kumain na. Napansin mong si Ana ay yumuko na lamang at hindi tumayo sa upuan sapagkat wala siyang baon. Ano ang iyong gagawin? a. Ipagkakalat ko na wala siyang baon. b. Aayain ko siyang kumain. c. Hahayaan ko na lang siyang magutom. d. Wala sa nabangit 3. Araw ng Linggo, ang iyong pamilya ay nagpunta sa bahay sambahan, habang papasok kayo sa loob ay may nakita kang mag-ina na namamalimos. Ano angiyong gagawin? a. Iwasan ang mag-inang namamalimos. b. Aabutan mo sila ng tinapay. c. Di papansinin at tutuloy sa paglakad. d. Ipagtabuyan ang mag-ina palayo. 4. Nakita mong may sakit ang iyong nanay athindi siya makagawa ng mga gawaing bahay. Bilang panganay sa inyong magkakapatid, ano ang gagawin mo? a. Matutulog maghapon b. Aalis ng bahay at makikipaglaro. c. Uutusan ang mga nakababatang kapatid. d. Gagawin ang mga gawaing bahay at aalagaan ang inang may sakit.