Panuto: Suriin at piliin ang titik ng tamang sagot. Isulat ang iyong sagot sa iyong kuwadernong pang aktibiti
1. Mahalaga ito sa pamumuhay ng mga sinaunang tao: A. Bag B. Damit C. llog D. Sapatos
2. Ang lunduyan ng sibilisasyon na hugis arko o kalahating buwan. A. Tsina B.India C. llog Nile D. Fertile Crescent
3. Ang putik na dala ng baha na nagsisilbing pataba sa mga pananim: A. Dumi ng hayop B. Banlik C. Lupa D. Puno
4. Ang sistema ng panulat ng mga Sumerian: A. Cuneiform B. Calligraphy C. Minos D. Hammurabi
5. Ang pagpapangkat-pangkat ng tao sa lipunang Asya: A. Luwad B. Barter C. Veda D. Caste
6. Ang uri ng pagsulat ng mga Tsino na ginagamitan ng mga pictogram: A. Cuneiform B. Calligraphy C. Argon D. Hammurabi
7. Karamihan sa mga sinaunang sibilisasyon ay isinilang sa mga A. Tabing-dagat B. Kabundukan C. Lambak-ilog D. Tabing-ilog
8. Alin sa mga ito ang hindi kabilang sa pangkat? A. Ganges-Aztec Indies C. India-Indus B. Tsina-Yangtze-Huang Ho D. Ehipto-Nile
9. Nakatuklas ang mga Hittite ng bakal dahil sa paghahanap ng matigas na metal upang gawing ______ A. Kasangkapan B. Araro C. Kagamitan D. Armor
10. Ang grupo ng taong pinaniniwalaang unang nanirahan sa India at nagtatag ng Mohenjo Daro at Harappa: A. Shiite B. Dravidian C. Aryan D.Hittite
11. Ang nagsilbing pook-dalanginan ng mga Sumerian noong sinaunang panahon? A. Pyramid B. Mosque C. Kapilya D. Ziggurat
12. Ang mga mahahalagang pangyayari sa kabihasnang Sumerian ay naitala sa _______? A. Clay Tablet B. Kwaderno C. Papel D. Dahon
13. Ang disenyo ng kabahayan sa kabihasnang Indus ay planado at organisado sapagkat nakitaan ito ng____? A. Grid Pattern B. Kusina C. Disenyo D. Poste
14. Isa sa mga pangunahing gawain ng Yangshao ay ang paggawa ng tapayan na mas nahigitan at napaunlad naman ng Lungshan sa pamamagitan ng pagtuklas ng____? A. Potter's Wheel B. Grid Pattern C. Clay Tablet D. Oracle Bone
15. Alin sa sumusunod na pahayag ang nagpapatunay na pinahahalagahan natin sa kasalukuyan ang mga ambag ng sinaunang kabihasnang Asyano? A. Sa paglipas ng panahon, ang sinaunang kabihasnan ay unti-unting nawaglit sa alaala at nawala sa kasaysayan. B. Sa paglipas ng panahon, naglaho ang mga kaalaman kasabay ng paglaho ng mga unang kabihasnan C. Sa paglipas ng panahon, nakakagawa sa kasalukuyan ng mga pabahay na may pare-parehong desinsyo o plano. D. Sa paglipas ng panahon, walang bakas na iwan ang mga sinaunang kabihasnan​