1. Ano ang ibig sabihin ng pagmamahal sa bayan?
2. Sa panahon ngayon kailangan bang mag buwis
ng buhay para ipakita ang pagmamahal sa
bayan?
3. Bilang isang mag-aaral paano mo maipapakita
ang iyong pagmamahal sa bayan?​


Sagot :

Answer:

1. ang ibig sabihin nito ay magkaisa tayo dahil kungmahal natin ang bayan bakit tayo magaaway

2.hindi,dahil ang ibig sabihin non mahina na ang loob mong lumaban

3.sa pagtulong at pag malasakit

Explanation:

Hope makatulong

Answer:

  1. Ano ang ibig sabihin ng pagmamahal sa bayan?                                               Ang pagmamahal sa bansa ay isang malaking tungkulin ng mga taong naninirahan dito. Maraming paraan Kung paano mo maipapakita ang pagmamahal mo sa iyong bansa. Ang pagmamahal mo sa ating inang kalikasan, ang pagtangkilik sa sarili nating mga produkto. Ang pagsunod sa mga batas na ipinatutupad ng bansa para sa katahimikan at pag-unlad nito. Pwede ding nating ipakita ang pagmamahal sa ating bansa sa pag respeto sa ating mga kaugalian at kultura at paggamit sa ating sariling wika. Maraming mga bayani sa ating bansa ang nagpakita ng pagmamahal sa ating bansa, may nagpamalas ng kanilang tapang, at meron din namang talino ang naging sandata upang ipagtanggol ang ating Bayan laban sa mga mapang-aping dayuhan. Tunay ngang kahanganga ang kanilang mga ginawa. Utang natin sa kanila ang kalayaang tinatamasa natin ngayon.  

Ang mga bayani ng bansa na inialay ang kanilang sarili para sa bayan

Doktor Jose Rizal

Andres Bonifacio

Apolinario Mabini

Melchora Aquino

Juan Luna

Lapu-lapu

 

Emelio Aguinaldo                                                                                                      2. Sa panahon ngayon kailangan bang mag buwis  ng buhay para ipakita ang pagmamahal sa  bayan?

Oo,Dahil noon kasi mahal nila ang bansang pilipinas kaya ibinuwis nila ang kanilang buhay para sa bayan. Bagaman sa  panahon ngayon, hindi kailangang magbuwis ng buhay para ipakita ang pagmamahal sa bayan, sapat na ang katapatan, paggalang, at pagpapahalaga.

Katapatan sa pagsunod sa batas

Mahalaga ang pagiging tapat natin sa pagsunod sa mga batas na ipinapatupad. Sa ganitong paraan naipapakita natin ang tamang disiplina. Gaya ng simpleng pagsunod sa batas-trapiko. Ang pagtawid sa tamang tawiran ay may malaking bagay upang makaiwas sa disgrasya o anumang aksidente. Ganito rin ang mangyayari kung lahat ng drayber ay mabuting makasusunod sa mga batas. Mababawasan ang kaguluhan at magiging maayos ang daloy ng lahat.                                                                                   3. Bilang isang mag-aaral paano mo maipapakita  ang iyong pagmamahal sa bayan?Bilang isang mag-aaral Tutuparin ko ang tungkulin ng isang mamayang makabayan at masunurin sa batas, dahil mahal ko ang pilipinas diringin ko ang payo ng aking mga magulang.

Explanation: