si titser Wilma ay nagtuturo sa unang bait ang ng mababang paaralan ng San andres. Mattoon siyang tatlumpot walong mag aaral. isang batang lakaki ang palagi niyang napapansing tahimik at matamlay. siya ay si joselito. isang araw kinausap niya ito at tinanong kungbakit siya malungkot napagdaanan Alaman ni titser Wilma na ang na may niya ay isang LA Bandera at may sakit na tuberculosis. wla na siyang ama at tatlong silang mag ka kapatid. ay on sa bata hirap sila sa kanilang pang araw araw na gastusinAwang-awa si Titser Wilma sa bata. Kaya naman madalas binibigyan niya ito
ng pagkain. Pinapayuhan din niya si Joselito na tulungan ang nanay sa mga
gawaing-bahay, mag-aral nang mabuti at huwag humintong mangarap. Lagi
din niyang ipinapaalala sa kaniya na humingi ng tulong sa Diyos at magtiwala
sa Kaniya. Ang gawaing ito ni Titser Wilma ay nagpatuloy hanggang sa
nakatapos si Joselito ng elementarya. Likas na mabait at matulungin si Titser
Wilma kaya naman kahit saan siya mapunta, napagtatagumpayan niya ang
hamon ng isang pagiging guro. Lumipas ang labinlimang taon, siya ay nalipat
sa ibang paaralan. Iba't ibang katangian ng mga bata ang kaniyang nakita
na nagbigay daan upang maghanap siya ng ibang pamamaraan na
makatutulong upang lalo pa siyang maging mas mahusay at epektibong guro.
Isang araw, habang nag-aabang siya ng sasakyan pauwi sa kanila, may
humintong sasakyan at pilit na pinasasakay siya. Tumanggi siyang sumakay
dahil hindi niya kilala ang nagmamaneho nito. Lumabas ang drayber at
nagpakilala. Siya pala si Joselito, ang dati niyang mag-aaral sa unang
baitang. Tuwang-tuwa si titser nang makilala niya ito. Agad siyang sumakay
sa magarang sasakyan ni Joselito.
Dinala siya ni Joselito sa isang mamahaling restaurant. Marami silang
napagkuwentuhan. Nalaman niya na nagsumikap si Joselito sa kaniyang
pag-aaral. Para makatapos sa kolehiyo, ito ay pumasok bilang utusan sa
isang tindahan ng bisekleta. Ang Diyos rin ang naging sandigan ni Joselito
upang makamit ang pangarap na maging isang seaman.
Umapaw sa galak ang puso ni Titser Wilma lalo na nang sabihin ni
Joselito sa kanya ang mga katagang ito:
"Maraming salamat Titser Wilma sa mga tulong, inspirasyon at
pagtitiwala na ibinigay mo sa akin nang ako ay nasa elementarya pa.
Maraming salamat po sa mga payo niyo na tumatak sa puso at isipan ko.
Tunay nga na ang kahirapan ay hindi hadlang sa pagkamit ng tagumpay,"
pasasalamat niya sa kaniyang titser.
1.tungkol kanino ang binasang kwento?
2.ilarawan ang mga tauhan batay sa kanilang mga kilos at pahayagan
3.ano ang napagdaanan Alaman ni titser Wilma na problema ni joselito?
4.paano pinalakas ang loob ni titser Wilma si joselito
5.paano nagtagumpay si joselito
6.ano sa iyong palagay ang layunin ng awtor O may akda sa pagsulat ng kuwentong iyong binasa?
7.magbigay ng iyong mungkahing pamagat sa binasang kuwento

pasagot po plsss​


Sagot :

1) tungkol sa batang si Joselito

2) Si Joselito ay laging malungkot tahimik at ang nanay naman ni Joselito ay labandera at may sakit na tuberculosis

3) na may sakit ang nanay nito at hirap sila sa pang araw araw na gastusin

4)Sinabi nito na mag tiwala lang sya sa dyos

5) dahil sinunud ni joselito ang sinabi ni titser Wilma

7) Ang Matagumpay na Si Joselito

Answer