Gawain sa Pagkatuto Bilang 2 Panuto: Basahin at unawain ang sumusunod na tanong at sitwasyon sa ibaba. Isulat ang letra ng tamang sagot 1. Sa bansang Pilipinas, mayroong tinatawag na freedom of speech (Article III, Bill of Rights Section 4). Ano ang kahulugan nito? A. malayang pagsasabi ng opinyon na sa huli dapat ikaw ang tama. B. malayang pagpapahayag ng opinyon na hindi hinahadlangan ng sinoman. C. malayang pagpapahayag ng opinyon hinggil sa pribado at maseselang usapin sa publiko. D. malayang pagsasabi ng lahat ng iyong gusto sa kapwa, nakakasakit man ito ng damdamin o hindi. 2. Ang mga sumusunod ay ang limitasyon ng freedom of speech sa Pilipinas maliban sa: A. pagsuway sa batas B. paninirang puri sa iyong kapwa C. hindi pag sang-ayon sa opinyon ng kapwa D. pagsisiwalat ng pribado at maseselang impormasyon sa publiko 3. Dapat ba ay palagi kang sumang-ayon sa opinyon ng iyong kapwa? A. Opo, upang hindi masaktan ang damdamin ng iyong kapwa. B. Opo, dahil mas mahalaga ang opinyon ng kapwa kaysa sa sariling opinyon. C. Hindi po, dahil hindi naman sila ang tama sa lahat ng oras. D. Hindi po, dahil maaaring maging mas makabuluhan ang usapan kung magbabahagi ng mga sariling opinyon sa kapwa.