Nasa ibabaw ng ulap ang isang kaharian noon sa isang bahagi ng Visayas. Masaya at mapayapa ang pamumuhay nilang lahat. Ngunit sa hindi inaasahang pagkakataon ay nagkasakit ang prinsesa.
Sumangguni sila sa mga manggagamot at ang sinabing lunas ay isang ugat ng halaman na nasa kailaliman ng lupa.
Bumaba ang prinsesa sa lupa at pinilit na hawakan ang ugat. Gayunman, aksidenteng nalaglag ang prinsesa sa ilalim ng lupa.
Tinulungan ang prinsesa ng isang pato at pagong. Ang malaking likod ng pagong naman ay tinubuan ng mga halaman at lupa at naging isla.
Nakakilala rin ang prinsesa sa ilalim ng lupa ng isang lalaki na si Lo. Nagkamabutihan sila at naging matamis ang pagsinta sa isa’t isa.
Hindi nagtagal at nagbunga ang kanilang pagmamahalan. Nagkaroon sila ng kambal na anak na sina Bo at Hol.
Masipag ang buong pamilya. Pinaganda nila ang kanilang lugar. Si Bo ang gumawa ng napakaraming burol, gubat, at nangalaga sa napakaraming hayop.
Habang si Hol naman ay pinagyaman at iningatan nang husto ang mga yamang tubig at anyong tubig sa kanilang lugar.
Marami ang humanga sa pamilya lalo na sa kambal. Talaga namang gumanda ang lugar. Kaya naman di naglaon ay ipinangalan sa kanila ang lugar at tinawag na Bohol.
(◠ᴥ◕ʋ)
#CarryOnLearning