Sagot :
Answer:
Ang pagkakaiba ng Pilipinas sa England ay nasa ibaba:
Ang England ay nasa kontinente ng Europa, samantalang ang Pilipinas ay nasa kontinente ng Asya.
Ang klima sa England ay "warm summer" at "cool winters". Ang klima naman sa Pilipinas ay tag-init at tag-ulan.
Pagdating sa kultura, mas mapangalaga sa pamilya ang Pilipinas kaysa sa mga tao sa England. Ang mga tao sa Pilipinas ay karaniwang may malalim na koneksyon sa pamilya. Sa katunayan, inaalagaan ng mga Pilipino ang kanilang lolo at lola. Sa kabilang banda, ang mga lolo at lola sa England ay karaniwang ipinapasok sa "home for the aged" ng kanilang mga pamilya.
Pagdating sa telebisyon, mas maingat sa pananalita at pagkilos ang mga artista sa Pilipinas. Samantalang sa England, mas malaya ang mga artista na sabihin kung ano ang kanilang gustong sabihin - mabuti man o masamang mga pananalita.
Pagdating sa pagsamba, mas mababa ang bilang ng mga taong dumadalo sa simbahan sa England. Sa Pilipinas, karaniwang puno ang mga simbahan tuwing araw ng sambahan.
Mas marami at mas strikto ang pagpapatupad ng mga batas sa England kaysa Pilipinas.
Pagdating sa medisina at pagpapagamot, may libreng preskripsyon ang England para sa mga senior citizens, bata at mga buntis. Walang ganitong benepisyo sa Pilipinas.
Mas mataas ang sweldo at mas mahal ang pagtira sa England kaysa Pilipinas.
Narito ang iba pang mga links na may kaugnayan sa nasabing paksa:
brainly.ph/question/1050078
brainly.ph/question/1495857
brainly.ph/question/329323
Explanation:
hope it helps:)