Ang susing salita ay ang mga pangunahing salita sa isang pangungusap o parapo na nagpapakita at naglalarawan ng mga pangunahing ideya ng may akda o ng isa na nagsalita at nagsulat nito. Sa pagkuha ng susing salita ay mas napapadali ang pagkaintindi sa isang ideya o sa isang bagay na gustong iparating ng isa sa kaniyang kausap.