Ano ang kolonyalismo at emperyalismo?

Sagot :

Imperyalismo- ito ay isang paraan ng pamamahala kung saan ang mga makapangyarihang bansa ay naghahangad na palawakin ang kanilang kapangyarihan sa pamamagitan ng pagsakop ng mga bansa.

Kolonyalismo- ito ay isang tuwirang pananakop ng bansa upang makakuha dito ng kanilang mga pangangailangan katulad na lamang ng mga likas na yaman. Maaaring maging pang-kalakal o pang-militar na base ang mga bansang nasakop.