Sagot :
Noli Me Tangere Kabanata 23
“Ang Pangingisda”
Mga Tauhan
- Maria Clara
- Sinang
- Victorina
- Iday
- Neneng
- Albino
- Tiya Isabel
- Crisostomo Ibarra
- Kapitana Tica
- Andeng
- Leon
- Bangkero (Elias)
- Maria Clara
Ang magandang dalaga na anak ni Kapitan Tiyago at kasintahan ni Ibarra, Siya ang umawit nang napakagandang awitin ng sila ay nasa Bangka, siya rin ang kumakausap sa bangkero ng mapamsin niya itong malungkot, at nang may buwaya sa loob ng baklad ay takot na takot siya at nag wika na hindi pa siya nakakakita ng buwaya.
- Sinang
Ang masayahing kaibigan ni Maria Clara, anak siya ni kapitana Tica, siya ang nag mamaktol ng malamang sila lang mga babae ang sasakay sa kabilang balsa.
- Victorina
Siya ang matahimik na kaibigan ni Maria Clara,siya ang nililigawan at iniibig ni Albino na isag siminarista
- Iday
Siya namang ang magandang kaibigan ni Maria Clara, siya ang umaktong tutugtog ng alpa uapang hindi mainip habang naghihintay sa panghuhuli ng isda ginawaran din siya ng halik ni Maria Clara upang magpaunlak.
- Neneng
Siya ang mahinhing kaibigan ni Maria Clara na kasama rin nilang naglalakad patungo sa gubat upang magpiknik,
- Albino
Siya ang payat at maykatangkarang binata isang siminaresta at umiibig kay Victoria, siya ang sumigaw sa mga kadalagahan na mayroong butas ang Bangka ng sinasakyan ng mga kababaihan, siya rin ang umihip ng malakas sa Tambuli dahilan para magtakip ng mga tenga ang mga kasama.
- Tiya Isabel
Siya ang madasaling tiya ni Maria Clara, takot na takot siya habang nakikipaglaban sa buwaya ang bangkero,siya ang nag mamando sa mga kababaihan sa paghahanda ng pagkain nila.
- Crisostomo Ibarra
Ang kasintahan ni Maria Clara, siya ang nakapatay sa buwaya, tinulungan niya ang bangkero na magapi ang dambuhalang buwaya na siyang dahilan kung bakit wala silang mahuling isa sa unang baklad.
- Kapitana Tica
Siya ang ina ng masayahing si Sinang siya ang nagsabing wala pa daw sasarap pa sa salabat bago mag misa.
- Andeng
Siya ang naghanda ng sabaw na paglulutuan ng mga mahuhuling isda, inihanda niya ang sabaw-sinaing,kamatis, at kamyas habang tinutulungan ng mga kabinataang aaligid-aligid sa kanya.
- Leon
Siya ang kasinthan ni Iday siya ang sumigaw kay albino na siya naman ang mangingisda, dahil wala ngang mahuli sa unang baklad.siya rin ang tumusok ng kawayan sa ilalim ng baklad at na diskobre nga na mayroon doong buwaya
- Bangkero (Elias)
Ang bangkerong may mahabang buhok na nakalugay, may matitipunong katawan at laging nakasulyap kay Maria Clara, siya ang matapang na nakipagbuno sa buwaya, siya ang nagsabing utang daw niya ang kanyang buhay kay Ibarra dahil inilgtas siya nito sa posibleng paglapa sa kanya ng buwaya.a
Buksan ang link para sa karagdagang kaalaman
Aral ng kabanata 23 noli me tangere https://brainly.ph/question/1353208